Tuesday, March 7, 2017

Mga Unang Araw Sa Pagiging Mabuting May-Bahay

Nagbitiw sa Trabaho


Hi mga sis, share ko lang sana sa inyo ang munting kaganapan sa aking buhay. Dito makikita nyo ang aking  pang araw araw na buhay bilang isang simpleng empleyado.
Ako po ay isang accountant sa isang pribadong kumpanya, ngunit dumating na rin ang araw na kinailangan ko nang magbitiw sa aking trabaho.
Masaya ang may trabaho ngaun ito ay nakakapagod at kung minsan ay nagiging dahilan ng stress at kawalan ng oras sa ating sarili at sa pamilya kung tayo ay masobrahan. Labag sa aking kalooban na magbitiw sa aking trabaho ngunit, kaming pamilya ay maraming plano sa aming buhay at mahihirapan kami magawa ito kung kakainin lang ng trabaho ang aking oras. Sa totoo lang masayang masaya ako sa aking trabaho, sa anim na taon ko sa kumpanyang ito, parang pamilya na rin ang turingan naming magkaka-opisina.
Ngunit ganon talaga.. minsan mga mga bagay tayong kailangan isakripisyo upang mapagtuonan naman ntin ng pansin ang iba pa nating mga prayoridad sa buhay.

No comments: